Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PINALIBUTAN si PDP-Laban candidate for Manila Mayor Alfredo Lim ng mga pangulo ng iba’t ibang tricycle associations na pawang nagsagawa ng official PDP-Laban fist sign kasama niya. Nasa larawan ang kanyang mga kandidato para konsehal na sina (kanan ni Lim) DJ Ron Flores-Cruze at (mula sa ikalawa mula kanan) Glady Villar at Lucy Lapinig, fifth district at PDP-Laban secretary-general Danny Bolocon.

Lim suportado ng 2,000 pedicab & tricycle drivers

NAGPAHAYAG ng suporta sa kandidatura ni PDP-Laban Manila mayoral candidate  Alfredo S. Lim ang mahigit 2,000 pangulo ng iba’t ibang organi­sasyon ng mga sasakyang pam­publiko na may tatlong gu­long gaya ng pedicabs at tricycles, kasabay ng pag­sa­sabing solido ang kani­lang magiging boto para kay Lim sa darating na halalan sa Mayo.

Sa isang ugnayan na gi­na­nap sa isang fastfood chain sa Sampaloc, May­nila, partikular na tinanong ng mga driver kay Lim kung ano ang plano niya para sa kanila kapag naupong mayor at tahasang sinabi ni Lim na tatapusin niya ang anumang uri ng towing at pangingikil na nabibiktima ang mga driver ng tricycles at pedic­abs, bagay na kanilang ikina­tuwa.

Binanggit din ng drivers kay Lim ang umano’y wa­lang habas at napakataas na mga bayarin at multa na ipinapataw sa kanila, mula P500 hanggang P1,500.

Dumalo sa nasabing dialogue sina Danilo Bolo­con, secretary-general ng ruling PDP-Laban at Fede­ralism newspaper publisher Manny Plaza; at mga kandi­dato para Konsehal na sina Jograd dela Torre, Lucy Lapinig, DJ Ron Flores-Cruze at Glady Villar, fifth district; at  Jessie Delgado at Raffy Crespo Jimenez, sixth district.

Inireklamo ng mga driver kay Lim ang umano’y mga panggigipit na nararanasan nila kapag naglalagay ng mga tarpaulin ni Lim sa kanilang minamanehong tricycle o pedicabs, bukod pa sa pagiging biktima ng iba’t ibang uri ng extortion.

Tiniyak ni Lim na hindi lamang pangingikil ang kanyang tutuldukan kundi agad pang sisibakin ang sinumang irereklamo ng extortion.

Ani Lim, seryoso rin niyang iuutos na pag-aralan at ikonsidera ang pagpa­patupad ng mungkahing implementing rules and regulations (IRR) na siyang magiging gabay sa ope­rasyon ng tri-wheeled vehicles sa lungsod at big­yan din sila ng sapat na proteksiyon.

Bubuwagin din umano ni Lim lahat ng tanggapan na nagpapahirap sa mga tricycle at pedicab drivers matapos malaman na ilang tanggapan ang pareho lamang ang silbi at nangha-harass sa kanila nang halos sabay-sabay.

“Hindi lang extortion ang mawawala kapag ako na ang nakaupo sa City Hall. Uunahin ko ‘yung guma­gawa ng extortion,” ani Lim, na sinagot ng mga driver ng malakas na palakpakan, hiyawan at paulit-ulit na pagsigaw ng “Mayor Lim, Mayor Lim!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …