Thursday , June 4 2026

Kaya deadma kina Greta at Claudine! Marjorie Barretto yumaman sa dyowang politiko (Sako-sakong pera nakokolekta umano sa palengke ng Caloocan)

“THANK YOU,” lang daw ang simpleng sagot ni Marjorie Barretto sa nakikisimpatiya sa kanya laban sa kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto. Nag-ugat ang issue sa pagitan ng mag-sister nang mag-post ang ikakasal na si Dani Barretto (eldest daughter ni Marjorie) na hate niya ang kanyang daddy Kier Legaspi at tanging ang Mommy Marjorie lang niya ang siyang maghahatid sa kanya sa altar dahil siya lang naman ang mag-isang nagpalaki raw sa kanya.

E, mabilis na nag-react sina Greta at Claudine sa kanilang Instagram live session na agad niresbakan at pinasinungalingan ang kuwento ng kanilang pamangkin na si Dani.

At agree kami sa lahat ng mga sinabi ni Gretchen dahil naikuwento rin sa amin noon ni Claudine na noong panahong walang kita ang kanyang Ate Marj ay ultimo underwear nina Dani at Julia, ang actress ang bumibili kasama na ang tuition fee sa school.

Madalas kapag lumalabas siya para mag-shopping at dine in sa resto ay isinasama rin ni Clau ang mga nasabing niece kaya masakit nga naman para sa kanila ni Gretchen na ibinaong lahat sa limot ng mag-inang Dani at Marjorie ang mga naitulong nilang financial noon.

Well, umano kaya hindi na pinapansin ni Marjorie sina Gretchen at Claudine kasi mayaman na siya at pinayaman siya ng karelasyong beteranong politiko dahil umano sa mga nakokolektang sako-sakong pera sa Caloocan public market noong nakaupo pa sa puwesto ang kanyang Papa.

Naku! Totoo ba ‘yan?! Ano naman kaya ang magiging reaksiyon dito ni Marjorie?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …