Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Korean, Chinese nationals timbog sa arogansiya, boga

ISANG pasaherong Ko­rean national ang inaresto nang saktan ang driver ng taxi na sinakyan niya at isang Chinese national ang nahulihan ng baril sa magkahiwalay na insi­dente sa mga lungsod ng Pasay at Makati kahapon.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang suspek na si Jinseok Ahn, nasa hustong gulang.

Sa  pahayag sa Pasay City Police ni Ismael Marquez, driver ng Acalim Trans­port, sumakay ang dayuhan sa Remedios St., sa Malate, Maynila at nagpahatid ng Parañaque City.

Pasado 7:00 am, ha­bang binabaybay nila ang kahabaan ng Roxas Boulevard, nagalit ang suspek  nang tanungin ng driver kung siya ay isang Chinese.

Bigla na lamang uma­nong sinuntok ng dayu­han ang upuan ng taxi ni Marquez at saka siya sinaktan at sinakal.

Nagpasyang dalhin sa presinto ng driver ang nasabing dayuhan, pero pumalag din sa mga pulis at tumang­ging magbayad ng P100 pasahe sa taxi.

Amoy alak din uma­no ang Koreano, na posibleng lasing at galing sa karaoke bar sa Malate.

Samantala, kahapon ng umaga, dakong 11:30 am. hinuli ng mga kaga­wad ng Makati City Police ang Chinese national na si Sun Xiaofan, 31, ng Grand Soho Condominium 131, HV Dela Costa St., Sal­cedo Village ng lungsod.

Sinabi ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, tumawag ng electrician si Xiaofan upang ayusin ang electrical circuit ng kan­yang kuwarto.

Niyaya umano ng electrician na hindi na binanggit ang pangalan ang guwardyang naka-duty na si John Lambot sa nasabing condo­mi­nium upang samahan siya sa loob ng yunit ng dayu­han.

Habang inaayos ang problema sa koryente, nakita ng electrician ang suspek na may hawak na baril na pinaglalaruan nito.

Dito na humingi ng tulong at tumawag ng pulis si Lambot na agad naman nagresponde ang mga tauhan ng Makati City Police sa pangu­ngu­na ni Chief Insp. Gideon Ines, kaya agad naaresto ang dayuhan.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .38 baril at ilang bala nito na sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 0 Comprehensive Firearms and Am­muni­tion Regulatory Act sa Makati City Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …