KAYA naman pala lalong lumalago ang Prestige Beauty Company ay dahil sa kabaitan at likas na pagiging matulungin ng CEO nitong si Mannix Carancho.
Nakahuntahan namin recently si Amanda Amores, PR & Marketing Consultant ng Prestige at nalaman namin na nakibahagi ang Prestige International Charity sa Women’s Empowerment nina Angel at Monique na tumulong sa mga kababaihang iniwan ng OFW nilang mister. Nagbigay sila ng mga Prestige beauty products sa mga kababaihan, para manatiling maganda at huwag maging losyang.
Nalaman din namin na tumulong din pala si Mannix sa mga nasunugan kamakailan sa Bataan.
Nabangit ni Amanda sa amin na ang boss niya’y nagdadala rin ng 100 bags sa likod ng sasakyan niya na puno ng pagkain at school supplies, tapos ay ipinamumudmod sa mahihirap na bata. Priority niyang tulungan ang mga batang mahihirap, especially ang mga batang lansangan.
“Another thing, kada bili mo ng item sa Prestige, ang piso ay napupunta sa Mannix Carancho Charity,” saad ni Amanda.
Itinatag ni Mannix ang kanyang beauty company na Mannix Carancho Prestige Corporation noong 2015. Ito na ngayon ang isa sa mga leading corporation na nagpo-produce ng skin care products para sa madla sa abot-kayang halaga na may magandang resulta sa kanilang skin o kutis.
Sa kasalukuyan sina Arron Villaflor at Iyah Mina ang dalawa sa product endorsers ng Prestige.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio