AYON sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, sasagarin niya ang pagiging abala sa career sa TV at pelikula sa Year of the Earth Pig!
“Sa 2020 na kasi namin gagawin ang malaking project ng buhay ko. Namin ni Papa Ge (Gerald Sibayan). Sa tulong naman siyempre ng siyensya, plano na naming mag-asawa ang magkaroon na kami ng aming baby.
“Kaya this year, focus muna ako sa maraming trabahong naka-line up. Nagsu-shoot na ako kay direk Rechie del Carmen ng ‘Feelenials’. Kami ni Bayani (Agbayani).
“Tapos, tuloy pa rin kami sa ‘Sunday Pinas Saya’ ni direk Louie (Ignacio). Lilipad lang kami sa Portugal to attend the Film Festival na kasali ang ‘Area’. Manalo or matalo, ang goal ko naman doon eh, ang pumunta sa lugar ni Mama Mary. Bonus na kung manalo. But more than that, ang gusto ko marating eh, ang lugar o Shrine ni Mama Mary. ‘Yan naman ang mga lugar na pinupuntahan ko when I travel. And isa pa na gusto ko ma-achieve eh ang ma-meet na rin in person si Pope. May award naman ako na galing sa Rome and I think, may chance ang mga nabigyan ng award ng Papacy to have an audience with him.”
Ai Ai was at the dedication of her bff for life’s Arnel Ignacio’s and daughter Sofia’s Creative Hairsystems and Microblading sa Swire Elan in Greenhills.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo