Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puso ng Pasko Special ng GMA, inilampaso ang Christmas Presentation ng ABS CBN!

Hahahahahahahahaha! Kabog na kabog Ang Puso ng Pasko Special ng GMA ang Christmas presentation ng ABS CBN.

Samantala poised at cool ang mga Kapuso stars sa kanilang Christmas Presentation, ang mga taga-ABS sa kanilang two-day special at walang nagawa ang biriterang si Regine Velasquez para magningning ang kanyang performance na kung minsa’y kay baba-baba nang simula to the point of being slightly off-key (slightly off-key raw, o! Hahahahahahahahahahahaha! Mag-diet ka, lola… syoba-syoba mo na!) at pagkatapos ay bibirit nang walang patumangga. Hahahahahahahahaha!

To no avail!

The way I look at it, parang kulang sa rehear­sal ang stars ng Dos kaya nagkalat ang karamihan sa kanila.

And puhlllllezzzzeeee! for the love of com­passion and serenity, huwag nang magpilit pang kumanta sina Enrique Gil, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, among many others dahil ang papangit ng mga boses nila.

Period. Ayoko ng chakah! Hahahahaha­hahahahaha!

Oo nga’t magaganda sila and you cannot say anything negative about how good they look, but the moment they open their mouth and sing, yosi-kadiri! ang papangit ng boses nila!

Might as well focus on acting and leave the singing to Sarah Geronimo, KC Tandingan and company.

Sa Kapuso network, mga piling-piling singers ang pinakanta like Mark & Christian Bautista, Gabbi Garcia, Golden Canedo and the Clash singing group, Michael V, Jennylyn Mercado, Kyline Alcantara and Julie Anne San Jose.

Kahit ‘yung mga baguhang sina Migo Adecer, Rayver Cruz at surprisingly, even Alden Richards, can carry a tune.

Suffice to say, pulido ang kanilang pagkanta at harmonious talagang pakinggan unlike sa Kapamilya network na dahil desentonado ang ilan ay nadaramay na pati ang mahuhusay na singers tulad ni Ogie Alcasid.

‘Yun lang!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very. very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …