SA kauna-unahang pagkakataon yata, ngayong taong ito lang nagkakapareho ang magkahiwalay na Christmas media party ng GMA at ABS-CBN in terms of giveaways.
As in the previous years, naging tradisyon na that GMA is the first to hold the annual treat para sa press. Ilang araw pagkatapos ay ang ABS-CBN naman.
This year, parehong desk calendar ang freebies ng magkatapat na estasyon.
Not bad kung tutuusin. Bago naman talaga salubungin ang Bagong Taon, ang laging hinihingi ng mga tao ay kalendaryo.
Yes, maging sa calendar ay mayroon pa ring “network competition.”
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III