Wednesday , June 24 2026

PECO ibasura — Subscribers (Hiling kay Duterte, sa Senado at sa Kamara)

UMAPELA kahapon ang ilang residente ng Iloilo City kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa Senado, at sa House of Representatives na ang boses ng mga consumer ang pakinggan at tuluyan nang ibasura ang apela ng Panay Electric Company (PECO) para sa kanilang legislative franchise renewal.

Sigaw ng mga resi­dente, kung hindi pa sapat ang mga inilahad nilang reklamo laban sa PECO sa Energy Regula­tory Commission (ERC) ay handa silang makipag-dialogo sa mga mamba­batas at kay Pangulong Duterte upang personal nilang maiparating ang kanilang reklamo kung ito ang makatutulong para tuluyan nang ibasura ng Kamara ang legislative franchise renewal appli­cation ng PECO.

Ang prankisa ng PECO ay magtatapos sa 18 Enero 2019 at ang apli­kasyon nito para sa re­newal ay nanatiling naka­binbin sa House Com­mittee on Legislative Franchises.

Sinabi ng isang resi­den­te na si Hazel Fer­nandez, isang Ship Captain at residente ng Jaro, Iloilo City, saksi siya sa palpak na serbisyo ng PECO, sa katunayan, limang buwan siyang nagpabalik-balik bago naaksiyonan ang inire­reklamo niyang over­charging na aabot mula P4,000 pataas kada buwan.

“Kada buwan tuma­taas ang billing namin dahil mali ang meter reading ng PECO na kahit Grade 1 ay kayang gawin, kaya ang ginagawa na­ming mga residente, kami ang kumukuha ng retrato sa cellphone ng reading namin at ipinapakita sa PECO, ‘di ba ang hassle,” paliwanag ni Fernandez.

Kalaunan, nabisto rin ng mga residente na walang meter reader ang PECO at ang paniningil ay ibinabase lamang sa kanilang sariling kalku­lasyon.

Karaniwan din uma­nong tumatagal ang reklamo ng mga consu­mers na hindi naaak­siyonan dahil walang sariling complaint desk ang PECO.

Para sa retired Iloilo teacher na si Mildred Jaromahum ng Barangay Sinikway, Iloilo City, katakot-takot na stress at hindi pagkakatulog ang sinapit niya dahil sa palpak na serbisyo ng PECO.

Aniya, P3,000 kada buwan ang kanyang bill sa koryente ngunit noong 2017 ay umabot ito ng P114,375 at ang nais ng PECO ay bayaran niya ito nang instalment.

Kaugnay nito uma­pela rin ang mga resi­dente kay Pangulong Duterte na magpadala ng kan­yang kinatawan sa Iloilo City o opisyal mula sa ERC upang marinig ang kanilang mga reklamo.

“Mahal na Pangulo, sana po ay wakasan n’yo na ang aming pagtitiis sa PECO at huwag nang dugtungan pa, hindi po kami magsasama-sama para magreklamo kung walang basehan at nais po naming ipaabot na sa­wang-sawa na kami sa kapalpakan at nagha­hangad kami nang maa­yos na serbisyo na tama sa aming ibinaba­yad, dagdag ni Hernandez.

Sa isang panayam ng Aksyon Radyo Iloilo kay Sen Grace Poe inamin niya na ang concern ng mga residente ang kani­lang prayoridad sa PECO issue.

“we’ve had already a few hearings at marami ang nagreklamo na ang PECO daw ay hindi nagbibigay nang maayos na serbisyo at hindi nag-improve ng kanilang assets, ng distribution kaya maraming brown­out, minsan masyadong mataas ang singil na hindi naman dapat,” pahayag ni Poe.

Binigyang katiyakan ni Poe na  hindi nila titigilan ang nasabing isyu hanggang hindi makatitiyak ng magan­dang serbisyo ng elek­trisidad sa Iloilo.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …