MAGSASAMA sa isang romance/drama film, Through Night and Day ang dalawa sa mahusay na aktor ng bansa, Alessandra De Rossi at Paolo Contis na hatid ng Viva Films, Maxx, at OctoArts na mapapanood sa November 14 mula sa mahusay na direksiyon ni Veronica Velasco.
Bukod sa magandang istorya, magaling na direksiyon, at mahuhusay na actor, mapapanood din sa Through Night and Day ang magagandang lugar sa Iceland na kinunan ang nasabing pelikula ng isang linggo.
Dream come true nga kay Alessandra ang makapag-shoot sa Iceland dahil itinuturing nitong second home ang nasabing European country lalo na’t nakaka-indentify siya sa sikat na singer na mula sa Iceland, si Bjork.
Habang ito naman ang muling pagbabalik-pelikula ng mahusay na komedyante, si Paolo at kauna-unahang pagiging leadingman sa isang love story movie.
ni JOHN FONTANILLA