Thursday , June 4 2026
Jerwin Ancajas Alejandro Santiago
Jerwin Ancajas Alejandro Santiago

Ancajas kampeon pa rin (Sa kabila ng draw kontra Mexicano)

NAPANATILI ni Filipino champ Jerwin Ancajas ang IBF super flyweight title nito matapos ang kontrobersiyal na draw kontra sa karibal na si Alejandro Santiago ng Mexico sa kanilang laban  sa Oracle Arena sa Oakland, California kamakalawa.

Bagamat lamang nang bahagya sa buong 12-round na bakbakan, nauwi sa tabla ang laban ng dalawa matapos ang desisyon ng mga hurado na 116-112, 118-111 at 114-114.

Ito na ang ikaanim na tagumpay na pagdedepensa sa kanyang titulo ni Ancajas sa loob ng dalawang taon at umangat na ngayon ang baraha sa 31 wins, 1 loss, 1 draw at 20 knockouts.

Ayon sa Compubox, lamang si Ancajas nang ga-buhok lamang sa lahat ng departamento lalo na sa kabuuang punches na naikonektsa sa kalaban.

Tumama ang 127 mula sa 589 na suntok ni Ancajas habang mayroong 108 na konekta mula sa 519 ni Santiago. Lamang din si Ancajas (27/218) sa power punches kontra kay Santiago na may 10 konekta lamang sa 182 buslo.

Bunsod nito, nakalinya na ang 26-anyos na si Ancajas sa malaking unification bout kontra sa WBO champion na si Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand na isa sa pound-for-pound fighters ngayon.

Sa kabilang banda ay nahulog sa 16-3-4, 7KOs ang baraha ng 22-anyos na si Santiago.

Isang Pinoy pa ang nagwagi sa undercard ng naturang laban sa katauhan ni Genesis Servania na pinatumba sa third round ang Mexicano rin na si Carlos Carlson.

Umangat sa 32-1-1 15KOs si Servania habang dumausdos sa 23-5, 14KOs si Carlson.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Candon City AVC Womens Cup

Candon City handa na sa AVC Women’s Cup

MATAPOS patunayan ang kakayahan bilang isa sa mga pangunahing sentro ng palakasan sa bansa, nakahanda …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …