Thursday , December 19 2024
Jolo Revilla Luigi Revilla Bryan Revilla Bong Revilla
Jolo Revilla Luigi Revilla Bryan Revilla Bong Revilla

Bong, wish magkaserye sina Bryan, Luigi, at Jolo 

PAGKATAPOS ng grand media launch ng trilogy movie na Tres nina Bryan, Jolo, at Luigi Revilla ay tumuloy sila sa Custodial Center Of The Philippine National Police (PNP) Camp Crame, Quezon City na roon nakakulong ang papa nilang si ex-Senator Bong Revilla, Jr. kasama rin ang mga titas at tito Marlon Bautista at iba pang kaanak at kaibigan sa media. Inasalto ng lahat si Bong para sa 52nd birthday niya kahapon, Setyembre 25.

Sa nakaraang solo-solo presscon ng Tres ay natanong namin si Ms Andeng Ynares kung ano ang pagkakaiba nina Bryan, Jolo, at Luigi pagdating sa pag-arte.

Magkakaiba sila, Reggee, like si Jolo (72 Hours) dati na namang nag-aaksiyon ‘yan, tulad ni kuya (Bong), si Bryan mahusay, revelation siya ‘Virgo’.  Si Luigi, iba rin ang talent (Amats) bukod sa acting, he’s into music.  Marunong siyang mag-gitara at kinukuha siya ng Star Music, abangan mo ang kanta niya,” nakangiting sabi sa amin ng guwapang tita ng tatlo.

At nitong Lunes ay nakasabay naman namin sa entrance ng ELJ Building si Ms Andeng kasama ang panganay nila ni Antipolo City Mayor Junjun Ynares na maysakit at dinala sa doktor at isinama na rin sa grand media launch ng Tres.

Tinitigan namin ang bagets na sampung taong gulang at bulong namin kay Ms Andeng, “ang lakas ng dugo n’yo, kamukhang-kamukha n’yo.”  At female version pa ni Jolo.

Samantala, bago matapos ang presscon ay hiningan ng komento si Ms Andeng kung ano ang masasabi niya sa mga pamangking itinuring anak.

I call them The Boys, you know, the three boys of Kuya Bong, para ko na rin silang mga anak. At pinagsasabihan ko sila na, you know, to keep your feet on the ground.

“Kasi, iyan ang payo ng tatay ko, (Ramon Revilla Sr.

Tinanong ko siya, ‘Daddy, ano ang puwedeng i-advise mo roon sa tatlong batang lalaki? Ano ang secret ba ng pagiging isang superstar?’

Ang sabi sa akin ng daddy ko is humility. To be humble. And nakikita ko naman ang qualities na ‘yun dito sa mga poging pamangkin ko.

 ”You know, boys, I’m proud of you, give it all your best. Kayang-kaya natin ‘to. And hopefully, this will open doors for you para magkaroon kayo ng mga soap kasi, iyan naman ang dream ng papa niyo sa inyo.

“And ‘yung papa niyo, ang pangarap sa inyo, maging superstar din kayo. Pero kailangan, always feet on the ground. Tama ba ‘yun, boys?”

At nag-agree naman ang tatlong barako.

Tinanong namin ulit si Ms Andeng kung ano naman ang pagkakaiba sa ugali ng mga pamangkin niya.

Actually, lahat sila mababait, malambing, ito (sabay turo kay Bryan), malambing ‘yan hindi lang halata, nakikinig ‘yan. Si Luigi, malambing din, actually pareho nga silang tatlo. Ahh, si Jolo makulit, nagmana sa papa niya,” nakangiting sagot sa amin.

Anyway, ang wish ni Bong para sa mga anak, “sana kumita ‘yung mga bata.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Virgo ni Bryan, mala-Die Hard sa tindi ng action
Virgo ni Bryan, mala-Die Hard sa tindi ng action
Bimby, sinuportahan ang pelikula ni Alex 
Bimby, sinuportahan ang pelikula ni Alex 
Taong nanloko kay Kris, dahilan ng stress
Taong nanloko kay Kris, dahilan ng stress

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *