HABANG nagsisipagtambakan ang mga sinehang nagpapalabas ng “The Hows Of Us” ng Star Cinema, mukhang kokonti na lang ang natitira para sa historical movie na Goyo, na mag-o-open in cinemas on September 5.
Nevertheless, ano kaya ang feeling ni Jason Abalos na nakapag-shoot na para sa nasabing pelikula pero biglang naligwak? Hahahahahaha!
Well, the news have it that Jason was removed from the film when his video scandal came out and was replaced by another actor.
Ang sabi, may morality clause raw ang pelikula kaya natanggal si Jason.
Anyway, hindi kaya kay Jason ang huling halakhak?
At any rate, sinasabing ang Goyo raw ang masasabing “film event of the year.”
E, sa tindi nang dating ng The Hows of Us sa takilya, mukhang alam mo na ang magiging outcome ng mga pelikulang kasaoay nitong magsu-showing.
Sinubukan ma-reach ng ilang press si Jason for any comment through his handler but he seemed not to be that interested.
Sabi ng kanyang handler, hindi pa raw siya sure kung nakarating na sa aktor ang developments sa naturang pelikula.
Mas pre-occupied raw ito sa new drama series sa GMA 7 with a working title na Karibal Ko Ang Aking Asawa.
Exciting! Mukhang may kakaibang twist ang bagong soap. Hahahahahahahahahaha!
Unique at kakaiba raw ang role rito ni Jason in the sense that he has become a transwoman as the story moves along.
Sa look text nga raw e lumabas na sobrang ganda ng aktor to the point that most people are reminded of the way Sandy Andolong looked at her prime.
Pabulosa! Hahahahahahahahahaha!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.