Friday , November 22 2024

Pagbabago sa rules ng PPP, inasahan na ni Arguelles

READ: Direk Jason, inspirasyon ang pagtulong sa indie bands
READ: Perla, Menggie at Dante, ‘‘di nagpahuli’ sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
READ: Drug free Bulacan, drug free showbiz, pangarap ni VG Fernando

NILINAW ni Cinema One channel head Ronald Arguelles na hindi siya maligaya sa bagong rules ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

“Hindi ko naman sinabi na I am not happy sa mga bagong rule ngayon ng PPP,” paglilinaw ni Arguelles sa presscon ng pelikulang Paki, isang pelikulang tungkol sa pamilya at pag-ibig na haharap sa matinding pagsubok. Kasama ang Paki sa special featured section ng PPP, isang selebrasyon na pina­ngu­ngunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magaganap sa Agosto 15 hanggang 21 sa mga sinehan sa buong bansa.

“Actually, ine-expect ko na magbabago sila at mag-iiba at mag-e-experiment sila sa gagawin nila sa PPP. Siyempre mayroon ding learnings from last year.

“So, last year, isinali nila ‘yung mga galing sa mga festival na hindi bago. Nagbago sila this year to adjust doon sa requirements siguro ng theaters. May pressure rin siguro ang mga theater doon sa kailangan kaya mga bago ang dapat maipalabas.”

Giit pa ni Arguelles, “So, I’m still happy dahil binigyan pa rin ng chance na maipalabas ang ‘Paki.’ At ‘yung ibang nanalo sa festivals mula sa ibang festivals.

“Okey pa rin ako roon. Malaki pa rin naman kasi ang support na ibinibigay nila (FDCP at PPP) para maipalabas ang mga pelikula na hindi na bago o galing sa ibang fesitvals.”

“I Kinda expected already na ito ang mangyayari sa second year nito.”

Ang Paki ang itinanghal na Best Picture sa 2017 Cinema One Originals na nagtatampok kina Dexter Doria,Noel Trinidad, Shamaine Buencamino, Eula Valdes, Ricky Davao, Cielo Aguino, Paolo Paraiso, Ina Feleo, Miguel Valdes, Sari Estrada, Dravin Angeles Sunshine Teodoro, Thea Yrastorza at iba pa.

Bukod sa Best Picture, nasungkit din ng pelikulang ito ang Best Supporting Actor award para kay Ricky at Best Screenplay at Best Director kay Gian Carlo Abrahan. Nakuha rin ni Dexter ang Dr. Jaime Guetierrez-Ang Medical of Excellence for Acting sa Gawad Tanglaw.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *