Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napakahirap makulong — CJ Ramos

SA exclusive interview ni Korina  Sanchez kay CJ Ramos sa programa nitong Rated K sa ABS-CBN noong Sunday, inamin ng dating child actor na na-depress siya nang husto dahil sa napunta sa wala ang naipon niyang pera noong nag-aartista pa siya.

“Pagdating ko ng high school, medyo tumatamlay na po ‘yung karera ko noon. Alanganin ‘yung edad ko bata, alanganing bata, alanganing matanda. Hindi na ako pinapirma ng kontrata, wala akong manager kaya napabayaan po (ang kanyang career),” kuwento ni CJ.

Nakapag-ipon ba siya mula sa mga kinita niya sa pag-aartista?

“May mga naipundar naman po ako pero unti-unti rin pong nawala,” sagot ni CJ.

May naitabi siya noong halos P1-M ipon na balak sana niyang gamitin sa pag-aaral, pero naipautang nila ito at hindi naman binayaran.

“Tinakbuhan po kami ng isang taong nangutang sa amin. Simula po noon, as in zero. Parang pinagtakluban po kami ng langit at lupa. Ang inuulam namin sa loob ng halos dalawang taon: isang sardinas, itlog, at kanin. Naghahati po kami roon ng pamilya.

“Roon po siguro ako na-depress, kasi first time ko po nakaramdam ng hirap na ganoon, eh. Dahil noong bata po ako, nagtatrabaho ako. Noong bata pa ako, hindi ganoon ang buhay ko.”

Noong na-depress, nabarkada si CJ at doon na nagsimulang gumamit siya ng drugs. At inamin niyang shabu ang ginagamit niya.

“Siyempre nalungkot kung bakit nangyayari ‘yung ganito. Roon na po nag-umpisa ‘yung paggamit ko ng ilegal na droga.”

Dahil sa pagiging lulong sa droga, napabayaan na niya ang kanyang sarili.

“’Yung droga ang naging takbuhan ko kapag gusto kong makalimot sa mga problema ko.”

Naisip minsan ni CJ wala nang patutunguhan ang kanyang pagda-drugs kaya sinubukan niyang tumigil. Sinubukan pa niya noong maghanapbuhay. Nag-aral siya sa TESDA at nag-apply papuntang abroad ngunit hindi natuloy. Dahil dito ay na-disappoint siya nang husto at muling gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Napakahirap makulong. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na pagsubok lang ito,” ang huling sabi ni CJ sa interview sa kanya ni Korina.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …