Tuesday , March 11 2025
vilma santos nora aunor

Nora at Vilma, ‘di nag-iiwanan

HINDI talaga nag-iiwanan ang ‘magkaribal’ sa kasikatan noon pa man, sina Nora Aunor at Vilma Santos dahil ang balita, madalas nagkakasakit ang dalawa.

Tulad ng Star For All Seasons na talagang inabangan ang pagdating sa nakaraang Sona ni Presidente Duterte para makita ang kanyang kasuotan.  Ang balita, si Rene Salud ang gumawa ng damit at kasama pa ang make-up artist na si Dheng Foz.  

Pero ang ending, lahat ay nadesmaya dahil hindi nakarating ang Star for All Seasons dahil nilalagnat na may kasamang sipon at ubo.  Galing ito sa pagbabakasyon sa Singapore but the sad thing, sobrang init ang panahon doon.

Nauna naming naibalita ang pagiging masakitin dinni Nora kaya madalas na itong nako-confine sa hospital.  Ang latest, napaaga ang kanyang cut-off time ng taping na Onanay ng GMA-7.  Dati ay 10:00 p.m. pero ngayon, napaaga ito at naging 6:00 p.m. dahil ito ang payo ng kanyang doktor para maagang makapahinga.  

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Wize Estabillo PGT

Wize Estabillo idolo sina Luis at Robi 

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang taong 2025 sa Kapamilya actor/host na si Wize Estabillo dahil sa sunod-sunod …

Cris Villanueva Herlene Budol 

Cris pinuri pagiging seryoso ni Herlene sa trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales SI Cris Villanueva ang gumanap na ama ni Herlene Budol sa Binibining Marikit ng GMA kaya kinumusta namin sa …

Kim Chiu BIR

Kim natuwa sa ibinigay na pagpapahalaga ng BIR

I-FLEXni Jun Nardo PROUD and honored si Kim Chiu sa recognition na ibinigay sa kanya ng Bureau …

Sharon Cuneta Pig Bacon

Sharon nagluluksa sa pagkamatay ng alagang baboy 

I-FLEXni Jun Nardo INIYAKAN ni Sharon Cuneta ang pagkamatay ng alaga nilang baboy na ang pangalan eh …

Angel Locsin Father Angelo Colmenares

Ama ni Angel Locsin pumanaw na sa edad 98

SUMAKABILANG-BUHAY na ang ama ng aktres na si Angel Locsin, si G Angelo M Colmenares sa edad 98. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *