READ: AlDub, hari at reyna pa rin ng Twitter
READ: Thea, tinanggalan ng mga bukol sa dibdib
SINA Ella Cruz, Julia Barretto, at Bianca Umali ang mga gustong makatrabaho ng model/child actor na si Gold Aceron na nasa pangangalaga ng Clever Minds Inc..
Tsika ni Gold nang makausap namin kamakailan, “Si Ella Cruz, kasi ang galing niya. At saka parang siya po ‘yung babagay sa height ko, hindi po ako ganoon katangkad eh, 5’4 lang.
“Gusto ko ring makatrabaho si Bianca Umali, maganda kasi siya at saka parang babagay din siya sa akin kasi noong nagsama kami mas matangkad ako sa kanya ng kaunti.
“Tapos si Julia Barretto po, dapat makaka-partner ko, kaso matangkad po siya.
“Ang liit ko po kay Julia, kaya pinalitan po ako kahit ako po ‘yung natanggap po.”
Sa ngayon ay busy si Gold sa paggawa ng commercial habang naghihintay ng panibagong proyekto sa telebisyon at pelikula.
MATABIL
ni John Fontanilla