Friday , November 22 2024

Manoy, ipina-torture si Tony; ipinakagat sa mga daga

READ: Manoy, ayaw pang magretiro

MULING mapapanood sa 2018 Cinemalaya Film Festival ang beteranong aktor na si Eddie Garcia bilang retired pulis na maysakit na dementia sa pelikulang ML o Martial Law na isinulat at idinirehe ni Benedict Migue for CMB Film Services.

Sa panayam namin kay Eddie ay ikatlong pelikula na niya ito na napasama sa Cinemalaya, “the first one was ‘ICU Bed No. 7’ (2005), the second was ‘Bwakaw’ and this is the third,” say ng aktor.

Sa pelikula ay baguhang artista ang kasama niya, si Tony Labrusca kaya hiningan namin ng komento ang beteranong aktor kung paano niya ikukompara sa ibang nakasama niyang young actors.

Well, Tony is a very good actor, he’s very concenscious, he comes on time and prepared, he will go places,” papuri ni Eddie sa baguhang aktor.

Sa kuwentuhan namin nina tito Eddie at sa direktor na si Benedict ay nabanggit na maraming suggestion ang una na gawin sa torture scenes ni Tony.

Maganda sana ‘yung eksenang may kahon na may mga daga tapos lalagyan mo ng alambreng may kuryente tapos itatapat mo sa tiyan ni Tony.  O kaya ‘yung mata niya binubulag, nakagapos si Tony tapos nakaganoon ‘yung mata niya at lalakihan mo ‘yung apoy tapos lalagyan mo ng yero tapos ‘yung camera lalagay mo rito. 

Maganda sana ‘yung bulag na ‘yung isang mata ni Tony tapos magmamakaawa siya sa akin,” pahayag ng aktor cum direktor.

Sabi namin na maganda ang mga suhestiyon ni tito Eddie dahil itinanghal siya bilang Best Director sa mga pelikulang ginawa niya noon sa iba’t ibang award giving body.

Tawang-tawa naman si direk Benedict, “ang gaganda ng suggestion ni tito Eddie kaso hindi namin magawa kasi masyadong bayolente, lahat nga ng nakapanood ng pelikula namin, napapangiwi na at nagtatakip na ng mga mata.  Imagine gusto ni tito Eddie, susunugin ‘yung mata, papakain sa daga ‘yung tiyan. Sabi ko, ‘tito Eddie, wala tayong budget.’”

Dagdag pa ni tito Eddie, “maganda sana na ‘yung kahon ng sapatos tapos may yero sa ibabaw lalagyan mo ng daga sa loob sa may tiyan tapos may baga sa ibabaw kakamot ‘yung daga.”

Naku, tito Eddie, baka hindi na tayo mapanood n’yan, triple X na ibibigay sa atin,” natatawang sabi pa ni direk Benedict.

Isa pang suggestion ay maglagay ng thumb tacks sa ilalim ng mga paa ni Tony habang nakatapak, “tapos puputulin ko ‘yung mga daliri tapos lalagyan ko ng dugo, hindi ba ang ganda?” sabi pa ng premyadong aktor.

Papasa ang mga gustong eksena ni tito Eddie sa Cinemalaya, pero kapag sa commercial run na ay tiyak na hindi.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *