UNANG araw pa lamang ng pelikulang I Love You, Hater na ipinalabas sa mga sinehan ay kumalat na ang balitang hindi ito kumita na hindi naman ikinagulat ng netizens dahil inaasahan na itong mangyayari. May nagsabing gustong manood dahil kay Joshua Garcia na paborito nito. Kinakitaan ng malaking potensiyal ang aktor lalo pa, wala itong negatibong isyu mula nang pumasok sa showbiz. Si Julia Barretto naman, muli na naman sila nagkaroon ng isyu ng kanyang amang si Dennis Padilla at huwag na natin pag-usapan si Kris Aquino dahil she is an open book.
Kaya lang ikinagulat namin ang post sa social media na kumita ang pelikula ng P40-M sa ikalawang araw nito sa mga sinehan. Habang ksinusulat namin ito, may nag-report sa DZRH na hindi talaga kumita ang pelikula at umamin si Kris sa kanyang Instagram na malungkot siya dahil hindi pumatok sa takilya ang kanilang pelikula.
May nagsabing malaking tulong ang block screenings kaya umabot sa ganoon kalaki ang kinita. Marami itong kaibigan na binili ang lahat ng tickets para sa screening. Ang sabe, mas lalong lalaki ang kikitain sa weekend kaya lang ang magiging problema lang ay kung tuloy-tuloy ang pag-ulan at baha sa Metro Manila.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu