ANG Ormoc City Mayor na si Richard Gomez ang Ambassador/ spokesperson/advocate ng Philippine Heart Association (PHA) na nagsusulong ng CPR-Ready PH 21 sa bansa.
Ayon kay Ormoc City Mayor, ”Sa shooting or taping, natatapos kami 4:00- 5:00 a.m.. In short, overworked tapos puyat. Kaya nga ito ipino-promote namin among our peers sa showbusiness.”
Gusto ni Richard na ipaalam sa mga taga-showbiz ang kahalagahan ng
Gadget AED (Automated External Defibrillator) na puwedeng maka-sagip buhay sa mga sandaling may maha-heart attack during taping or shooting.
Dagdag pa nito, ”Dapat number one ang health and lifestyle. Bawas inom, bawas sigarilyo.
“We are trying to work it out with Department of Labor and Employment na sana mabantayan ‘yung working hours ng mga artista.
“Sa rami ng mga artista lalo na ‘yung mga director na naka-cardiac arrest kaya maganda talaga itong advocacy ng PHA which is AED na dapat ang mga taga showbiz marunong din sa hands on CPR.”
At maging sa kinasasakupan nito sa Ormoc City ay isa rin ito sa layunin ni Richard na palaganapin ang kaalalaman sa CPR-Ready PH 21via AED mula edad 10 pataas .
MATABIL
ni John Fontanilla