Thursday , June 4 2026
dead gun police

Negosyante nakipagbarilan pulis patay, 1 sugatan

HIMALANG nakaligtas sa pangalawang pagka­kataon ang isang nego­syanteng lalaking lulan ng kotse makaraan maki­pagbarilan habang bina­wian ng buhay ang suspek na isang dating pulis at nasugatan ang kanyang kasama sa sinasabing insidente ng ambush sa Muntinlupa City, kama­kalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay sa insidente dulot ng ilang tama ng bala sa katawan ang suspek na si PO2 Pedro Delgado, 43, may asawa, at residente sa MRH, Soldier Hills Village, Brgy. Putatan, Muntinlupa.

Isinugod sa Medical Center Muntinlupa ang isa pang suspek na si Alfredo Alcaraz, Jr., 26, residente ng Bunyi Com­pound, Brgy. Cupang, Muntinlupa.

Habang kinilala ang negosyanteng si Romil Quambot, 55, may asawa, negosyante, at residente sa Soldier Hills, Brgy. Putatan, ng nabang­git na lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente 5:00 pm malapit sa main gate ng Soldier Hills, Brgy. Putatan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, mina­maneho ni Quambot ang kanyang Toyota Vios na may plakang SGS 953, ngunit pagsapit sa natu­rang lugar ay bigla siyang pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Hindi tinamaan si Quambot ngunit naka­gan­ti siya ng mga putok na nagresulta sa pagka­ma­tay ni Delgado at iki­nasugat ng kanyang kasama.

Ilang taon na ang nakalipas ay malubhang nasugatan si Quambot sa unang ambush sa kanya na ang motibo ay alitan sa lupa.

Narekober sa pinang­yarihan ng insidente ang siyam piraso ng basyo, isang .45 caliber pistol na may dalawang magazine at isang .45 Armscor pistol na may isang magazine at walong bala.

Ayon kay Chief Insp. Gideon Ines, hepe ng Mun­tinlupa police Inves­tiga­tion Section, si Delgado, naka-helmet ay kinilala sa nakuhang ID sa kanya.

Batay sa record na kanilang nakalap, si Delgado ay naka-assign sa Muntinlupa bago siya huling itinalaga sa Min­da­nao ngunit nag-AWOL hanggang matanggal sa serbisyo.

May pending cases siyang carnapping, qua­lified unlawful possession of firearm, alarm and scandal at may bench warrant. Kasama siya sa high value targets ng Muntin­lupa Police.

Patuloy ang imbes­tiga­syon ng pulisya sa insidente.

ni MANNY ALCALA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …