Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautederm event sa Hongkong, panalo

MASUWERTE si Ms. Rhea ‘Rei’ Ramos Anicoche-Tan, CEO at owner ng Beaute­derm dahil mababait ang mga ambassador niya.

Hanga  rin siya sa  bago niyang endorser na si Arjo Atayde para sa perfume line niyang Origin series na Alpha, Radix, at Dawn.

First time niya itong nakasama sa event niya sa Hongkong para sa Mr. & Ms. Beautederm Hongkong 2018 na ginanap sa Sai Ying Pun Community Complex, 50 Bonham Road, Hongkong. Kasama rin sina Sylvia Sanchez, Matt Evans, at Boobay.

Masaya sa Hongkong. Dami na tayo users doon. Mga candidate users talaga ng Beautederm. Gumamit muna sila ng ilang buwan bago sumali sa pageant. Successful ang event. Nasa 300 OFW’s ang nag-attend,” kuwento niya.

Proud din siya kay Boobay dahil second cousin niya ito. Pareho rin silang nag-aral sa SLU sa Baguio.

Super galing niya. First time kong mapanood ng live eh.Super saya namin doon. Panay kain at tawanan lang. Nagsama pa Kuya Smokey (Manaloto) at Boobay kaya ang gulo namin,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay nagbukas na naman ang pang-17 branches ng BeauteCab by Beautederm sa Cabanatuan City (infront of Harvest Hotel). Kabubukas din ng branch sa Manaoag Pangasinan na BeauteBlends by Beautederm at sa Vigan.

Magbubukas na rin ang branches nito sa Hong Kong at Singapore.

Nalalapit na rin ang bagong pasabog ng Beautederm at ni Madam Rhea kaya abangan.

(RFC)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …