BUNTIS na si Heart Evangelista sa panganay nila ng asawang si Senator Chiz Escudero.
Ang ganda ng ngiti ni Heart nang i-post niya ang damit pambatang may nakatatak na Dior habang yakap siya ng asawang si Senator Chiz nitong Sabado ng 11:00 a.m..
Ang caption ng aktres, ”The greatest of blessings all in God’s perfect timing! Our beautiful family just got a little bigger. We can’t wait to meet you little one.”
Tanda namin noong huling makatsikahan si Heart sa renewal ng contract niya sa Viva ay hindi sila nagpapa-pressure ni Senator Chiz dahil naniniwala silang ibibigay ito sa tamang panahon.
Kaya nga ‘God’s perfect timing’ ang caption niya nang ibalita niya ito sa lahat.
Matatandaang apat na taon ng kasal na sina Heart at Chiz dahil ikinasal sila noon sa Balesin Island, Pebrero 15, 2015.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan