PAREHO sila ni Megan Young na hindi nagmamadaling magpakasal, ayon kay Mikael Daez.
“I think maybe at one point medyo nagsalitaan kami na ako nagra-rush, tapos siya, pero right now confident ako at pinag-usapan namin recently, this year lang, we’re both patient.”
For sure, hindi this year magaganap ang kasalan.
“Paano kung mag-one year itong ‘The Stepdaughters’? Hindi puwede (magpakasal).
“Definitely not this year, I am definitely confident with that.”
Pareho rin ba silang confident na hindi na sila maaagaw ng iba?
“Oo, tagal na! Matagal na ‘yun.
“Confident kami sa isa’t isa.”
Bida sa The Stepdaughters sina Megan bilang Mayumi dela Rosa, Katrina Halili, bilang Isabelle Salvador, at Mikael bilang Francis Almeda.
Rated R
ni Rommel Gonzales