Thursday , June 4 2026
dead gun police

5 kidnaper, lady cop patay sa rescue ops sa Laguna (3 pulis, sibilyan sugatan)

PATAY ang limang hinihinalang kidnaper sa isinagawang rescue operation ng mga awtoridad sa Laguna, nitong Martes ng umaga.

Namatay rin sa insidente ang isang babaeng pulis at sugatan ang tatlo niyang kasamahan, at isang sibilyan.

Inihayag ng pulisya, nasagip sa operasyon ang negosyanteng si Ronaldo Arguelles, na dinukot umano ng mga suspek sa Candelaria, Quezon noong Lunes ng gabi.

Napag-alaman, humingi umano ang mga suspek ng P800,000 sa pamilya ng biktima para sa kaniyang kalayaan.

Isasagawa sana ang bayaran sa bayan ng Alaminos sa Laguna habang nag-aabang ang mga awtoridad na hiningian ng tulong ng pamilya ng kidnap victim.

Gayonman, nagtangkang tumakas ang mga suspek sakay ng van ngunit hinabol sila ng mga awtoridad na umabot sa Maharlika Highway sa San Pablo City, at doon napatay ang hinihinalang mga kidnaper na nakasuot ng unipormeng pulis.

Ayon kay S/Supt. Rhoderick Armamento, director ng Quezon Provincial Police, hindi pulis ang mga suspek.

“Inaalam pa namin ‘yung profile ng mga suspect but fully armed sila. But definitely hindi sila Philippine National Police. Nagsuot sila ng bagong uniporme pero ‘yung iba naka-tsinelas,” ani Armamento.

Namatay sa hanay ng pulisya si PO1 Sarah Jane Andal, at nasugatan sina Police Officers 1 Mendoza, Orlanes  at Villaflor, at isang sibilyan.

Kabilang sa mga armas na nakuha sa mga suspek ang isang Thompson rifle, dalawang caliber .45 firearms,  dalawang granada at mga bala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …