NAIMBITAHAN kami noong Biyernes, March 2 na pumunta at makisalo sa maliit na salu-salo para sa kaarawan ng butihing kongresista ng Bacoor, Cavite na si Rep. Strike Revilla.
Nagulat kami sa kantiyaw na isinisigaw ng mga dumalo habang ang kongregista ay nagsasalita. Nakiusap sila na muling tumakbo at bumalik sa pagka-mayor ng Bacoor si Rep. Strike Revilla.
Ngunit ngiti lang ang naging sagot sa kanila ng mambabatas na si Strike. Si Rep. Strike ay siyam na taon naging mayor ng Bacoor. Sa panahon niya naging siyudad na maganda ang Bacoor.
Nakapagpatayo ng mga gusali, paaralan at malaking bagong City Hall na napapaligiran ng iba’t ibang sangay ng ahensiya at isang malaking gymnasium na ginanap ang salu-salo.
Hangang ngayon ay naaalala pa rin namin, kung paano siyang kinukulit ng mga bisita na bumalik na sa City Hall.
Ang iba ay may kasama pang luha sa gilid ng kanilang mata habang nagpapakuha ng larawan kasama ang kanilang mahal na dating mayor at ngayon ay kongresista.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma