MARAMI ang kinilig sa post ni Enrique Gil sa picture nila ni Liza Soberano na magkayakap habang nakapikit ang kanilang mga mata na kuha habang nasa ibang bansa sila.
Umani iyon ng 290,647 likes sa Instagram account ng actor na noong February 14 niya ipinost.
Suportado ng fans ang sinabi ni Enrique na si Liza ang kanyang forever.
Kaya naman marami ang kinilig at nagsabing ipagdarasal nila na maisakatuparan ang sinambit na iyon ng actor.
Bagamat wala pang pag-amin mula sa dalawa sa tunay nilang relasyon, marami ang nagsasabing may unawaan na nga ang LizQuen.
Narito ang kabuuan ng post ni Enrique, ”@enriquegil17 Happy valentines my þ you have the biggest heart in the world that’s why hearts day is your day þ ikaw na talaga ang forever ko, i love you þ”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio