INAABANGAN ng mga kababayan nating Pinoy sa ibang bansa ang pelikulang Meet Me In St. Gallen dahil base sa trailer ay maganda, mala-Kita Kita ang dating. Kaya tinatanong kami kung ipalalabas ito sa ibang bansa.
Tinanong namin ang publicist ng Spring Films at Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero kung ipalalabas sa ibang bansa ang pelikula nina Carlo Aquino at Bela Padilla.
“Will ask po,” sabi sa amin.
As of this writing ay wala rin kaming alam kung may international release ang Meet Me In St. Gallen dahil sa Pebrero 7 pa ang showing dito sa Pilipinas at doon palang magde-decide ang Spring Films at Viva Films kung ipalalabas ito sa ibang bansa.
Ganito rin naman ang nangyari sa Kita Kita ‘di ba, Ateng Maricris?
Anyway, pawang magaganda ang naririnig naming feedback sa pelikulang Meet Me In St. Gallen dahil ano ang kuwento nina Carlo at Bela at higit sa lahat, curious ding makita ang kagandahan ng Christmas Village na binanggit sa pelikula.
Tulad nga ng sinabi ni direk Joyce Bernal na isa sa Spring Films producer, ipinakita nila ang cathedral na Abbey of St. Gallen na isang UNESCO World Heritage Center na puntahan ng mga turista kapag nagagawi sa Swtizerland.
Noong una naming marinig ang St. Gallen ay talagang ni-research namin ito kung saan dahil nga sa sa titulongMeet Me In St. Gallen at bakit doon pa, eh, ang dami namang cathedral na magaganda rin sa ibang bansa o rito sa Pilipinas.
Anyway, aalamin natin ‘yan Ateng Maricris kung bakit sa Abbey of St. Gallen magkikita sina Carlo at Bela? Roon din kaya sila ikakasal?
Ang Meet Me In St. Gallen ay mula sa direksiyon ni Irene Villamor na nakilala dahil sa pelikula niyang Camp Sawi nina Sam MIlby, Yassi Pressman, Bela, Arci Munoz at marami pang iba produced ng Viva Films.
FACT SHEET!
ni Reggee Bonoan