Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, handang magpakita ng butt at mag-frontal (kahit 50 na)

ANG saya-saya ng ginanap na presscon ng Sana Dalawa Ang Puso dahil kay Robin Padilla sa mga pinagsasagot nito sa tanong ng entertainment press.

Naikuwento kasi ng aktor ang hindi niya malilimutang mga eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Cathy Garcia Molina sa pelikulang Unexpectedly Yours na talagang unexpected talaga.

“Aba’y pagbukas ng pelikula, bayag ko ang nakita,” nakangiting sabi ng aktor.

Kaya naman nagkatawanan ang lahat ng tao sa 9501 Restaurant sa sinabing ito ng aktor.

Tanda namin ay may eksenang naliligo si Robin na private part lang ang natatakpan ng salamin ng shower room at kitang-kita ang kanyang buong legs na puro may tattoo.

Kaya nakagugulat nga na nagawa ng leading man ni Sharon Cuneta ang eksenang iyon.

Katwiran ng aktor, sa edad kong ito, hindi na uso ang pag-iinarte. Totoo ‘yon, kahit si Direk Cathy tanungin n’yo, hindi nagdalawang salita ‘yon, noong sinabi nyang ‘tanggalin mo ‘yung shorts mo, alright. Wala nang ano ’yon (tanong). Ang sa akin lang, basta ipaliwanag mo ba’t ko gagawin?’

Nakaganda naman sa pelikula ang eksenang iyon dahil magigising si Sharon at nakikitang naliligo ang lalaking kasama niya sa kuwarto na puro tattoo kaya hayun natakot at nagtatakbong palabas.

Bow kami kay direk Cathy dahil tanging siya lang ang nakapagpasuot ng short-short kay Robin dahil halos lahat ng pelikulang napanood namin ay hindi pa namin siya nakitang nagsuot nito dahil laging naka-maong at boots.

At heto pa Ateng Maricris, game ring magpakita ng butt si Robin kung sakaling may offer sa kanya.

“Bakit naman butt lang, puwede naman akong mag-frontal? Ako, wala ako talagang (kaartehan) sa panahon ngayon, ano pa ba naman? Singkuwenta na ako, eh. Isipin mo 50 ka na pero pinag-iinteresan ka pang makita ‘yung puwet mo at saka frontal, eh, dapat maging proud ka,” diretso pero nakangiting sagot ni Binoe.

Naku Robin, huwag kang magbiro baka magdilang anghel ka at may magandang offer nga ulit sa ‘yo ang Starcinema.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …