ANG saya-saya ngayon ni Moira dela Torre dahil sa nakaraang Wish Music Awards na ginanap sa Araneta Coliseum ay nanalo siya ng tatlong awards.
Ang mga ito ay Wishclusive Contemporary Folk Performance of the Year para sa awiting Malaya (Beneficiary: Save The Children); Wishclusive Viral Videos of the Year, Malaya na idinirehe ni John Prats at sina Sam Milby/Angelica Panganibanang featured artists at Wishclusive Elite Circle—Malaya.
Bukod dito ay sold-out ang unang gabi ng solo-concert niyang may titulong Tagpuan na produced ng Cornerstone Concerts at Bright Bulb Productions.
Post ng manager ni Moira na si Erickson Raymundo, ”due to the overwhelming response of concert goers – WITH ALL TICKETS SOLD OUT IN JUST 4 DAYS!!! AND STILL A STRONG DEMAND FOR MORE – we are opening up another night for more people to experience her music. See you for the 2ND NIGHT of Moira Dela Torre’s Tagpuan on Feb 18, 7PM at the KIA Theater. #TagpuanSaKia #MoiraDelaTorre #CornerstoneConcerts #BrightBulbProductions #CornerstoneArtists.
Makakasama ni Moira sina Yeng Constantino, Keana Valenciano, Inigo Pascual, Sam Milby at iba pa mula sa direksiyon ni John Prats. Yes, ito ang first directorial job ni Pratty sa concert.
Anyway, klinaro ng handler ni Moira na si Mac Merla ang tsikang ikakasal na ang dalaga sa long time boyfriend nitong si Jason Marvin dahil ipinakilala na ng dalaga sa pamilya ng tatay niya.
“Hindi pa mag-aasawa si Moira,” mensahe sa amin ni Mac.
Oo naman, parang hindi ito ang tamang panahon dahil ngayon palang umiinit ang karera ni Moira pagkatapos niyang maghintay ng mahigit 10 years para mapansin at marinig ang mga awiting siya mismo ang sumulat.