Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, sign off na sa La Luna Sangre

GOODBYE na si Jacintha Magsaysay sa La Luna Sangre nitong Martes matapos niyang saksakin ng pangil ng lobo si Supremo/Sandrino (Richard Gutierrez).

Madamdamin ang pamamaalam ni Jacintha dahil tinapos muna niya ang misyon niya sa LLS kaya siya nagbalik.

Sinaksak niya si Tristan (Daniel Padilla) dahil nakita niya sa pangitain niya na si Malia (Kathryn Bernardo) ay kakagatin nito matapos siyang kagatin ng Kuya Sandrino niya.

At bago siya nawala ay sinabi niya kay Malia (Kathryn), ”tapos na, tapos na.”

Parang tapos na ang LLS dahil sa inakalang patay na sina Sandrino at Tristan, pero cliffhanger ang episode nitong Martes na habang naglalakad sa bukid si Malia ay may nakita siya. Sabi nga, ‘inaakala mong nagbago ang propesiya ay nagkakamali ka.’

Marami ang nalungkot sa pamamaalam ni Angel bilang Jacintha at base sa post niya sa kanyang IG account pagkatapos ng La Luna Sangre”Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit…”

“Playing Jacintha is one hell of a ride. Sa lahat ng bumubuo ng La Luna Sangre, thank you for the countless hours you have been working hard away from your families to make this show great. I’ll miss you guys, swear. Please take good care of your health and to everyone who supported the show, sending you, guys, virtual hugs and kisses of sincere pasasalamat! You are our source of strength during tough times. Thanks for giving us work for our families! Jacintha signing off…#GabiNgLaLunaSangre”

Iisa ang sinasabi ng lahat, ”please bumalik ka sa ibang karakter naman, Angel Locsin. 

Sa mga makaka-miss kay Angel, puwede naman siyang mapanood tuwing Sabado at Linggo sa Pilipinas Got Talent Season 6 kasama sina Mr. Freddie M. Garcia, Robin Padilla, at Vice Ganda.

Nagpakitang gilas kaagad ang pilot episode ng PGT6 dahil inilampaso nito ang katapat na programangPepito Manaloto na nakakuha ng 18.7% kompara sa 36.8% at nitong Linggo ay nakakuha ng 40.8% kompara sa Daig Kayo ng Lola Ko na 14.5% base sa Kantar Media.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …