TULOY ang ligaya nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kaya inaabangan na ngayon kung ano ang pasabog nila sa darating na Star Magic Ball.
Payagan kaya sila na magkasama o dumalo kaya ang dalawa sa September 30?
May mga excited na makitang magka-date ang dalawa. May mga bitter din at against na netizens.
Pero patuloy na magkasama ang dalawang Home Sweetie Home stars at hindi mapaghiwalay.
May post nga si Ellen na video nila ni JLC na nagpi-paint. Ang caption, “Therapy @ekomsi channeling Juan Antonio.”
Very wholesome ang therapy na ‘yan, ‘no?!
Sam, nagulat
kay Charice
KA-BATCH ni Sam Concepcion si Charice Pempengco. Magkalaban sila sa Little Big Star Season 1 na brightest star si Sam at 3rd honor si Charice.
Nagulat ba si Sam na Jake Zyrus na ngayon si Charice?
“Siyempre, it came as a surprise to everyone and to myself included but pleasantly surprised but that’s what he wants to take, his career and his personal life and his music and he’s working very well then,” sambit ni Sam nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency katuwang ang Stages ni Carlo Orosa.
“Pero choice n’ya ‘yun, eh, ‘yun ang gusto niya, so why not by all means,” dagdag pa niya.
Pak!
Carla, binati
si Geoff
ngayong magiging
isang ama na
KINUNAN ng reaksiyon si Carla Abellana dahil magiging ama na ang kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.
Nabuntis ni Geoff ang singer na si Maya na kapatid niya sa PPL Entertainment Inc..
Nag-congrats si Carla. Nasa tamang edad na rin naman si Geoff at mukhang ready na ito na magka-baby. Naniniwala rin siya na kaloob ng Panginoon ang blessings na ‘yan.
Si Carla naman ay masaya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.
Tsuk!
Birthday surprise
ni Diño
kay Aiza, nasira
NANOOD na lang ng Games of Thrones ang National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra sa kanyang kaarawan noong Linggo. Gusto niya ay kasama ang kanyang asawa na si Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Dino-Seguerra dahil ngayon lang ang oras na nasa bahay sila.
Ito ang napili nilang gawin kaysa mag-special lunch sa isang Japanese Restaurant.
Tinapos talaga namin ang mahigit 30 minutes na discussion nila sa Facebook live ni Chairman Liza.
Nag-uusap at medyo nagtatalo silang dalawa dahil wish ni Aiza ay mag-stay sa kuwarto, matulog then manood ng shows na kasama lang si Liza.
“Ganyan talaga ang pagmamahal, mayroong sacrifice,” deklara ni Liza na tumatawa.
Ang gusto ni Liza ay tumayo talaga si Aiza, lumabas sila pero kinontra ni Aiza dahil mainit.
Sinabi pa ni Liza na isang araw lang sa isang taon ang birthday niya tapos itutulog lang.
Tinatanong din ni Aiza kung anong plano ni Liza at kung may surprise ba pero todo deny ang huli na wala siyang plano.
“As if naman, hindi niya alam,” himutok pa ni Liza.
Aminado si Chairman Dino na parang insensitive siya dahil ang gusto lang pala ni Aiza ay matulog. Dahil mababaw ang luha niya ay naiyak pa siya.
Lahad pa ni Liza, ‘wag maging insensitive sa birthday ng asawa at mag-plan ng special lunch.
Nagkaroon pa ng isyu na kung patatayuin si Aiza at mag-lunch sila ay parang pinilit lang. Ayaw niya nang ganoong feelings.
Nag-uusap pa sila kung mag-oorder na lang si Liza ng Japanese lunch. Pero sinabi ni Aiza na kung ‘yung inisip niyang lugar siya dadalhin ay tatayo siya.
Feeling nabuwiset, nainis, na-badtrip si Liza dahil nasira na ang surprise niyang Japanese lunch na medyo malayo sa lugar nila. Hindi ito sa Quezon City.
Sey pa ni Aiza, kung hindi niya birthday ay baka inaway siya ng asawa niya.
“Kung may surprise kayo, di ba hindi niyo sasabihin,?” sambit pa ni Liza.
Pero ang natutuhan ni Chairman Dino ay tanungin muna ang asawa kung ano ang plano at gusto sa kanyang special day .Kung ano ang magpapasaya rito.
Ang ending, napagkasunduan na lang nilang mag-dinner na mag-asawa sa Japanese restaurant sa Sept 19. Sinunod na lang ni Liza kung ano ang desisyon ni Aiza dahil ito naman ang may kaarawan.
Pak!
TALBOG
ni Roldan Castro