Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Hunk actor, puwede nang pagtamnan ng kamote ang kukong nanggigitata sa dumi

AWARE kaya ang hunk actor na ito na paksa siya ng mga manunulat tungkol sa kanyang nanggigitatang mga kuko sa kamay?

Hirit ng isa sa kanila na pa-Ingles-Ingles pa, “Will somebody please give that good-looking actor some tips on good grooming?”

Sa ilan daw kasing pagkakataon na humaharap sa mga reporter ang matipunong aktor ay unang napapansin ang kanyang mga kuko.

“Nagkalat na ang mga nail salon, ‘di ba? Eh, mismong ka-TV network niya, may-ari na ng ganoong negosyo, maano ba namang magsadya siya roon kung may libre rin naman siyang oras? Eh, kung tutuusin nga, hindi pa siya masyadong busy these days dahil hindi pa nagsisimula ang pinaghahandaan niyang TV project, ‘no!” unsolicited advice ng isa pa sa grupo.

Sayang ang ipinagmamalaking killer looks ng hunk actor na ‘yon kung puwede nang pagtamnan ng kamote ang mga kuko niyang nanggigipalpal sa dumi.

Da who ang ating bida sa kuwento na nagtataglay nga ng good looks pero kulang naman sa good grooming? Itago na lang natin siya sa alyas na Steve David.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …