Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Indie film actress, ‘di mabubuhay ng walang hawak na salamin

BANIDOSA nga lang kaya ang mahusay na indie film actress na ito?

Ang kuwento, bago pala siya isalang para sa shooting ng ginagawa niyang pelikula, naging habit na niyang magbaon ng maraming salamin sa mukha na nakapalibot sa kanya.

“Nagti-trip yata ang hitad! Imagine, kakausapin siya kunwari ng co-star niya, ‘Day, hindi niya ‘yon kakausapin ng nakaharap. Ang kinakausap niya, eh, ‘yung mirror na nasa harapan niya! O, ‘di ba, karakter ang lola mo?”

Dagdag pang tsika ng aming source, sa tuwing magmememorya ng linya ang aktres ay hindi script ang tangan-tangan kundi ang mahiwaga pa rin niyang salamin. ”’Di ba, kapag nagme-memorize ng lines ang isang artista, dapat, eh, script ang hawak-hawak niya? Ang lola mo, kakaiba! Consistent pa rin siya sa kanyang hand prop na salamin niya, at nagdadayalog siya sa harap ng mirror, mirror na ‘yon na hindi naman on the wall!”

Da who ang aktres na ito na hindi mabubuhay nang walang salamin sa kanyang paligid? Itago na lang natin siya sa alyas na Fides Cabrera.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …