Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magandang pagpapalaki sa mga anak ni Sylvia, hinangaan

SALUDO ang CEO/President ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche Tan sa kanyang image model na si Sylvia Sanchez sa magandang pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

Ani Ms. Rei, “Sobrang mababait at magagalang ang anak ni Ms. Sylvia, maganda ang pagpapalaki niya sa mga ito.

“Bukod sa nagmana rin ang mga ito (Ria at Arjo) sa husay sa pag-arte ng kanilang mommy.”

Balak din nitong kunin sina Ria at Arjo para maging part ng family ng Beautederm, “Bakit naman hindi ‘di ba? Pero lets see, malay natin,” nakangiting pahayag ng napakabait na si Ms Rei.



Sobrang happy nga si Ms. Rei kay Sylvia na napaka-effective na image model dahil ito mismo ang nagkukuwento ng magandang naidudulot ng produkto nila kaya lalo siyang paganda ng paganda.

Dagdag pa nito, ang Beautederm ay matatagpuan sa Angeles, Pampanga, Davao City, Davao Del Norte, Nueva Ecija, Cabanatuan,Vigan, Cebu. Pero hindi lang sila national kundi international na rin ang distribution nito at sobrang lakas din ang bentahan nila online. Ilan pa sa celebrity ambassadors nila ay sina Carlo Aquino, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Alma Concepcion, Hon. Migz Magsaysay, Jericho Aguas, at Yayo Aguila.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …