Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Komedyante/TV host, nag-attitude, Tourism dep’t nataranta

DAPAT pagsabihan ng isang matulungin at sikat na TV host ang kanyang pinasikat na komedyanteng co-host ng kanyang show. Hindi  umano nakaka-wow ang ipinakita niyang attitude sa cityhood anniversary ng isang lugar na malapit sa Kamaynilaan noong Friday.

Nagbigay siya ng stress sa mga taga-Tourism department.

Naghahanap daw siya ng solo na dressing room.

How true na ayaw daw niyang may kasama sa room na naroon  ang Hashtags at siMark Oblea?

May rest room naman sa ibinigay na kuwarto sa kanila na puwede siyang magbihis kung gugustuhin niya.

Sabi para raw ng komedyanteng TV host na hindi nakatutuwa ang inasal, kung hindi siya bibigyan ng solo na room ay bigyan siya ng hotel at doon siya sunduin. Ano ba ‘yun? Bibigyan ng hotel samantalang saglit lang naman siya sa event at super lapit lang ito sa Manila.

Nataranta raw ang mga staff ng Tourism kaya ginawan siya ng paraan na ihanap ng solong kuwarto.

Napapailing na lang sila dahil never naman nila na-experience ang ganitong demand ng mga sikat na artista at singers noong maimbita nila sa kanilang event gaya nina Alden Richards, Michael Pangilinan, Jona atbp.

Naiintindihan nila kung ano ang sitwasyon at okasyon.

Hindi na ipinarating sa alkalde na taga-showbiz din ang stress na ibinigay ng komedyante-TV host. Pero sabi ng staff na kung ano ang hitsura ng komedyante, ganoon din pala ang pag-uugali.

Naku, alam kaya ng sikat na male TV host ang pinaggagagawa ng komedyanteng ito na binigyan niya ng break? Lumalabas na feelingera, malaki ang ulo, at ilusyunada rin pala ito ‘pag nasa labas. Ayaw ni Gorio ng ganyan!

Hindi muna namin papangalanan ang komedyante-TV host dahil gusto rin namin marinig ang kanyang side.Pero lagi niya tatandaan na dapat ay laging mabait, mapagkumbaba, at marunong makisama sa business na ito. Huwag ilagay sa ulo ang tinatamasang popularidad.

(Roldan Castro)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …