KUNG si Daniel Padilla ay very vocal sa pagsasabing gusto niyang makatrabaho sa isang pelikula si Sarah Geronimo, ang Pop Princess ay gusto rin pala siyang makatrabaho.
Sabi ni Sarah, ini-request niya na noon pa kay Vic del Rosario, ang tumatayong manager niya, na sana ay makatrabaho niya si Daniel.
Gustong gusto kasi niya ang binata. Na-endear siya rito kasi nakikita niya kay Daniel ‘yung youngest brother niya. At cute ito. Excited na nga siyang makatrabaho si Daniel. Kaya lang, kung sakaling gagawa nga sila ng pelikula, hindi naman sila puwedeng loveteam kasi medyo malayo ang agwat ng edad nila.
Tingnan na lang kung anong puwedeng gawin.
Well, sana nga ay maisipan ng Star Cinema at Viva na pagsamahin sa isang pelikula ang dalawa. Naniniwala kami na tatangkilikin sila ng publiko. Sure hit ang pelikulang pagtatambalan nila.
MA at PA – Rommel Placente