Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 sa 8 I CANdidates, miyembro ng Camp Sawi

TINANONG sina Daniel Matsunaga at Robi Domingo sa presscon ng  I Can Do That kung how to mend a broken heart?

Nagkatawanan dahil pinasa ni Robi ang tanong kay Gab Valenciano dahil siya ang mentor nila. Hiwalay na kasi si Robi kay Gretchen Ho. Split naman si Gab sa misis niyang si Tricia Centenera.

Ipinasa naman ni Gab kay Daniel na kabi-break lang kay Erich Gonzales.

Itinuro naman si Arci Munoz na napabalitang split na rin sa bf niyang si Badi Del Rosario.

“Eh, ba’t ako?” reaksiyon ni Arci sabay tawa.

May nagturo rin kay Sue Ramirez. Pero nag-deny na may pinagdaraanan.

Nagtawanan ang mga I CANdidates ng I Can Do That at may nag-react na nagsisinungaling si Sue.

Kung ia-analyze, lima pala ang miyembro ng Camp Sawi sa show.

“I have to… sa lahat ng mga nangyari, kailangan kong magmove -forward, eh. There’s no room for … there’s no time to be sad muna. Until now, I’m hurting ,” deklara ni Robi.

Pero kailangan niyang mag-focus dahil ito na ‘yung opportunity at matagal niyang hinintay ang moment na ito.

Sey naman ni Daniel, “Siyempre po, mahirap ano? Lahat ng pinagdaranan ko, siyempre I love the person, nalulungkot ako kasi affected ang family, this time need ko mag-focus sa show,” sambit pa niya.

Magsisimula sa March 11 sa ABS-CBN 2 ang I Can Do That. Hosts sina Robi at Alex Gonzaga.

Kasama rin sa I CANdidates sina JC Santos, Wacky Kiray, Pokwang, Cristine Reyes. Ito ay sa direksiyon ni Arnel Natividad.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …