Thursday , June 4 2026

2 laborer nakoryente, 1 patay

PATAY ang isang construction worker habang nalapnos ang mga kamay at paa ng isa pang biktima makaraan makor-yente sa ikalimang palapag nang itinatayong gusali sa Pacheco St., Tondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Gilbert Dizon y Tan, 31, residente sa Sto. Niño St., Tondo ngunit hindi na umabot nang buhay.

Habang nakaratay sa nasabing pagamutan ang isa pang biktimang si Ronald Soledad y Sevilla, 32, residente sa Magsaysay St., Tondo, nalapnos ang mga paa at kamay.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting ng Manila Police District Homicide Section, dakong 11:30 am nitong Sabado nang maganap ang insidente sa Pacheco St., Tondo.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …