Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo, natawa nang tanungin kung mag-on na sina Janella at Elmo

SAYANG dahil hindi naulit ang filmfest entry nina Janella Salvador at Marlo Mortel. Nasa top 3 pa naman last year ang horror movie nila na Haunted Mansion.

Anyway, masaya ang fans dahil nagbalik ang MarNella sa pelikulang  Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment Inc. na showing sa Dec. 14.

Hindi na nagkakasama sa telebisyon sina Janella at Marlo dahil si Elmo Magalona na ang ka-loveteam ng dalaga pero buti na lang dahil pinagsama pa rin sila ng Regal.

Sey ni Marlo, tuloy pa rin naman ang communication nila ni Janella. Minsan ay nagkakamustahan sa Viber. Pero hindi na gaya ng dati na lumalabas sila.

Samantala, natawa na lang si Marlo nang tanungin kung naniniwala ba siya na mag-on na sina Elmo at Janella? Hindi naman daw niya nakikita at wala naman daw siyang karapatan na magsalita para sa dalawa.

Aminado siyang na-miss niya si Janella dahil magkaibigan talaga sila. Komportable sila sa isa’t isa, nagsi-share ng jokes at kung ano ang mga ganap sa kanilang dalawa.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …