AWARE raw si PAO Chief Atty. Persida Acosta sa ang listahan ng celebrities na sangkot sa droga pero tumanggi siyang pangalanan ang ilan sa mga ito. Naniniwala ang abogada na hindi na ilalabas pa ang listahan ng mga artistang drug users, dahil marami na raw sa kanila ang nagpa-rehab.
Dagdag pa ni Atty. Acosta, magkaiba ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa nagtutulak, kaya hindi dapat hinuhusgahan ang mga user. Ang dapat daw ay tugisin ang mga drug lord na siyang dahilan kung bakit may mga addict.
May panawagan ito sa mga artista, lalo na ‘yung mga nagtutulak, tigilan na raw ito, dahil hindi titigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito kontra droga. At para maiwasan naman daw na masangkot sa usaping drugs piliin o huwag tumanggap ng donasyon basta-basta sa kahit na sino. Marami raw ang napapahamak sa ganitong gawain.
MATABIL – John Fontanilla