Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabaliwan ni Anne at kaseksihan ni Dennis, malaking factor sa Gwapo…

NILANGAW sa sinehang pinuntahan namin noong opening day ng movie nina Anne Curtis at  Dennis Trillo. Mahigit 20 lang kami sa loob ng sinehan. ‘Yung iba free pa dahil sa MTRCB ID. Madalas kaming manood sa sinehan na ‘yun kaya alam namin ‘pag talagang malakas ang isang pelikula gaya ng Barcelona na punompuno at Camp Sawi na halos puno ang sinehan.

‘Yung isang friend namin nag-walkout pa dahil sa kababawan, kasimplehan ng kuwento. Mapi-predict mo na ang magiging ending. Hindi niya tinapos ang pelikula. Kung gusto mo nang baliw-baliwan at aliw lang, puwede na rin. Maaaliw ka naman sa acting ni Anne at sa kaseksihan ni Dennis. ‘Yun ang saving factor ng pelikula.

Nasalubong din namin ang isang entertainment editor na kapapanood din ng nasabing movie sa nasabing mall, ang hatol niya sa pelikula ay chakaness.

Sabi naman ng isang entertainment columnist na straightforward ang opinion, “mas may matinong mensahe ang The Third Party kaysa becki movie nina Anne, Dennis, at Paolo Ballesteros. No comparison.”

Sad to say, dalawang noontime show na ang nagpo-promote ng nasabing pelikula pero puwedeng magbisikleta sa loob ng sinehan.

Well…well…

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …