WALANG bitterness si Maja Salvador sa napapabalitang pagdi-date ngayon nina Bea Alonzo at ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson. Hangad daw niya ang ‘happiness’ ng bawat tao lalo na kay Bea. Wala raw siyang karapatan na pigilan ito.
Hindi raw ba siya nasasaktan?
“Kung hindi pa ako naka-move on, siguro na-hurt ako. Pero it’s been what? It’s been almost two years. Okay na,” deklara pa niya nang makatsikahan ng press sa Ang Probinsyano concert.
Masaya naman daw si Maja ngayon. Mayroon daw siyang ka-text at nagpapaligaya ng puso niya. Secret daw kung sino ‘yun at ipaubaya na lang sa kanya.
Pero tuloy pa rin ang pagdi-deny niya na may romansang namamagitan sa kanila ni John Lloyd Cruz.
TALBOG – Roldan Castro