Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, nangunguna sa Top 10 programang pinakapinanonood

MAGANDA ang pasok ng ber months para sa ABS-CBN matapos magtala ang Kapamilya Network ng average national audience share na 46% noong Setyembre base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.

Walo sa top ten na pinakapinanood na programa sa bansa noong nakaraang buwan ay mula sa ABS-CBN sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 39.2%.

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng programa ang una nitong anibersaryo sa ere at unang anibersaryo rin ng pagbabahagi nito ng makabuluhang mga aral sa mga manonood.

Sinundan naman ito ng bagong paborito sa weekend na Pinoy Boyband Superstar (34.5%), na lumalaban ang mga guwapo at talented na mga binata para sa pangarap at pamilya, at ng fantasy drama na  Wansapanataym (34.2%).

Nananatiling nangungunang newscast ang TV Patrol (33.1%). Agad namang nakuha ng kakalunsad lang na Magpahanggang Wakas ang ikawalong puwesto sa average national TV rating na 25.2%. Inaabangan na nga ng sambayanan ang kahahantungan ng pag-iibang Aryann (Arci Munoz) at Waldo (Jericho Rosales).

Kabilang din sa top ten ang MMK (31.5%), Goin Bulilit (27.2%), at  Home Sweetie Home (26.8%).

Samantala, mas patok naman sa mga manonood ang It’s Showtime at nagtala ito ng average national TV rating of 18.1% . Pagdating naman sa online video-on-demand service na iWant TV, pinakapinanood ang Till I Met You, Pinoy Big Brother Lucky Season 7, FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, at The Greatest Love.

Mas tinututukan pa rin ang Primetime Bida ng ABS-CBN matapos itong pumalo sa national audience share na 49%.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …