HINDI nagtagumpay ang mga insecure na detractor ni Alex Gonzaga sa kanilang black propaganda
Sa kanilang kolum at blogsite, flop raw sa takilya ang launching movie nina Alex at Joseph Marco na “My Rebound Girl” produced ng Regal Entertainment, Inc., ng mag-inang Roselle at Lily Monteverde.
Sa katunayan, two weeks na sa takilya at kumita na raw ng mahigit P15 milyon na labis na ikinatuwa ni Mother Lily at Roselle.
Isang katibayan na hit ang unang tambalan nina Alex at Joseph ay palabas pa rin ang My Rebound Girl sa 125 cinemas nationwide.
Well, hindi na bago ang mga paninirang ito kay Alex at sa kapatid niyang si Toni Gonzaga. Before ipinagsigawan ng mga walang kredibilidad na entertainment columnist na nilangaw ang first major concert noong 2015 ni Alex na “AG From The East” The Unexpected Concert sa Araneta Coliseum.
Pero supalpal sila nang magsalita ang producer ng concert na si Joed Serrano at kinompirmang kumita siya sa show ng actress comedienne-singer. Buhay na saksi kami dahil pinanood namin ng Bff kong si Pete A ang konsiyerto at punong-puno ng tao ang Big Dome.
Inggit pa more gyud!
Sa Big Dome tayo bukas
THANKSGIVING ANNIVERSARY
CONCERT NG FPJ’S ANG PROBINSYANO
ISANG PAMILYA TAYO
SA BIG DOME BUKAS NA
Pinilahan nang libo-libong fans ang magkasunod na araw ng distribution sa ABS-CBN Center Road ng libreng tickets ng thanksgiving anniversary concert ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong October 8 (Sabado) na gaganapin sa Araneta Coliseum. Majority ng cast sa pangunguna ni Coco Martin, Maja Salvador, Bela Padila, Awra at Onyok ay magpe-perform. Inyo rin masisilayan ang iba pang cast ng serye na sina Agot Isidro, Albert Martinez, Arjo Atayde, Pepe Herrera, Eddie Garcia at marami pang iba.
Mapupuno sa ABS-CBN Center Road ng liwanag ang Araneta sa pagsasama-sama ng pinaka- malalaking bituin ng industriya gaya ng loveteams na sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona at Janella Salvador (ElNella), at McCoy De Leon at Elisse Joson (McLisse) kasama ang pi- nakamagagaling na singers ng bansa na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel at mga “ASAP” stars na sina Kyla, Juris etc.
Matinding tawanan ang ihahatid ni Vice Ganda, Vhong Navarro, at all-male group na Hashtags na magdadala ng good vibes sa mga manonood. Darating din sina Richard Yap, Paulo Avelino at cast ng latest movie offering ng Star Cinema na “The Third Party,” na kinabibilangan nina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjo Marudo.
Siguradong SRO ang special na palabas na hatid ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.
IPINAMIMIGAY NA 60K ARAW-ARAW
SA BAYANIHAN OF ‘DA PIPOL
MALAKING TULONG SA RESIDENTE
NG BAWAT BARANGAY
BUKOD sa mababawasan na ang basura sa kanilang barangay dahil sa donasyon na mga plastic bottle para sa Plastic ni Juan project ng Eat Bulaga na ipinabibitbit sa bawat residente na pipila sa Bayanihan Line kasama ang iba’t ibang bagay na ipinadadala sa kanila ng host ng nasabing segment.
Malaking tulong rin sa mga pinoproblemang bayarin sa upa sa bahay, ilaw, tubig, pagkain, tuition fee at baon ng mga anak ang puwedeng mapanalunang 10K plus bonus na cash mula sa sponsor sa Bayanihan Of ‘Da Pipol. Umaabot sa 60 K araw-araw ang ipinamimigay ng Bulaga na personal na inaabot ng JOWAPAO (Jose, Wally, at Jose) at Maine Mendoza. Apat ang puwedeng magwagi ng 10,000 cash at 20K naman ang ipinagkakaloob sa tahimik at maayos na pila sa Bayanihan Line na paghahatian ng bawat isa.
BAHAY AT LOTE SA MABUHAY
COMPOUND IPINAGLALABAN NI EULA,
ARSON SA “CALLE SIETE” NAPIGILAN
Kahit ginigipit sa oras si Shiela (Eula Valdez) ng bibili ng kanilang property sa Mabuhay compound na balak nang patayuan ng condo, patuloy na gumagawa ng paraan ang masipag na misis ni Mark (Christian Vasquez) para huwag mawala sa kanilang mag-asawa ang lote at bahay na minana pa niya sa kanyang mga magulang.
At hindi lang sila ang paaalisin, ‘pag nagkataon lahat ng nakatira roon ay damay rin kaya naman gumawa ng fund-raising ang lahat at pati alahas ni Shiela ay kanyang ipinasangla para mabigay na ang paunang bayad sa banko. May magaganap rin sanang arson sa nasabing compound, mabuti at natunugan ni Jonas (Kenneth Medrano) kaya napigilan ang pagsunog sa kanilang lugar.
Samantala hindi lang si Bonnie (Lovely Abella) ang happy ngayon sa kanyang lovelife maging ang kikay at reyna ng beauty pageant na si Margie (Rubi Rubi) ay nakatagpo na rin ng “man of her life” na medyo ka-edad niya na madatung at binigyan ng sariling condo unit.
Kaaliw talaga ang mga eksena sa Calle Siete na mapapanood Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma