Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Kuripot na actor, malapit nang layasan ng ginugutom na boy

TUMITIYEMPO lang ang isang male house help pero pinaplano na pala niyang layasan ang kanyang among aktor. Ang dahilan: sobrang kuripot daw ang kanyang pinaglilingkuran.

Tsika ng aming source: “Kinakaya pa naming tiisin ng boy ‘yung amo niya, pero makahanap lang talaga siya ng malilipatan, magbabalot-balot na siya ng kanyang mga gamit at lalayas na siya sa bahay ng makunat niyang among aktor!”

Ayon sa boy, tinitipid daw siya sa pagkain ng kanyang amo. “Kulang na lang, eh, ipakain sa kanya ‘yung mga tira-tirang pagkain na kahit pusa yata, eh, hindi masisikmurang kainin! May trabaho naman ang aktor na ‘yon, sabihin na nating hindi regular, pero obligasyon naman niyang pakainin ng disenteng pagkain ang mga nagsisilbi sa kanya, ‘no!”

Da who ang kuripot na aktor na malapit nang layasan ng kanyang ginugutom na boy? Itago na lang natin siya sa alyas na Carlitos Agbayani.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …