Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arraignment ni Mark ‘di natuloy, Alma dumalaw na

NALULUNGKOT kami ‘pag nakikita ang mga larawan na nasa loob ng selda si Mark Anthony Fernandez at humihimas ng rehas. Sana ‘wag na siyang kunan ng ganoon dahil kung ‘yung mga ordinaryong tao nga umiiwas na makunan, nagkalat naman ang ganoong kuha sa actor.

Marami ang naiiyak sa showbiz sa kalagayan ni Mark at nanghihiyang sa kanya dahil mabait ito at marunong makisama. Pero kung ano ang akusasyon sa kanya ay kailangan niyang panagutan sa batas kung mapatunayang tototo.

Anyway, hindi natuloy noong Huwebes ang arraignment ni Mark sa Angeles City Regional Trial Court (AC-RTC) para basahan siya ng haharaping kaso sa isang kilong marijuana at sa Angeles City Municipal Trial Court (AC-MTC) para basahan siya ng sakdal ng civil disobedience pagkatapos niyang takasan umano ang checkpoint.

Na-postpone umano ang arraignment dahil sa paghain ng mosyon ng kampo ni Mark na suspendihin ito. Hinihiling din nila na muling magkaroon ng imbestigasyon sa pagkakadakip ng actor sa kanyang sasakyan na umano’y may isang kilo ng marijuana. Naghain din daw sila ng mosyon na ilipat ito sa Pampanga Provincial Jail dahil masikip ang kinalalagyan niyang kulungan ngayon.

Samantala, naging emosyonal naman umano si Mark nang dalawin ng kanyang girlfriend. Ibinilin daw sa kanyang live-in partner na alagaan ang bagong silang na baby nila.

Dumalaw na rin ang kanyang inang si Alma Moreno kay Mark at sinamahan daw ito sa naurong na arraignment niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …