Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, soulmate ni JLC

BAGAMAT walang pag-amin sa Home Sweetie Home actor na si John Lloyd Cruz at Maja Salvador, tuloy pa rin ang pagdududa na may malalim silang relasyon dahil nagliwaliw naman sila sa Greece matapos ang Kapamilya shows sa Athens Concert Hall. Marami rin silang photos na magkasama.

Nakakalorky lang dahil may mga nagnenega sa social media.

Hinuhulaan nila na hindi magtatagal ang dalawa. Sa rami raw ng lalaki ay bakit si JLC pa.

Aba’y magtigil nga ang mga basher na ‘yan, malay mo naman si Maja na talaga ang soulmate ni JLC.

Daig pa nga nila ang mga movie press kung mag-opinyon na kesyo hindi raw maka-score o makaligaw si Lloydie kay Bea Alonzo kaya exchange na lang umano sila ni Gerald Anderson. Matatandaang ex-girlfriend ni Ge si Maja. Na-link naman si Lloydie kay Bea noong kahihiwalay nito kay Angelica Panganiban.

May ganoon?

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …