Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ratings ng Encantadia, unti-unti nang tumataas dahil kay Alden

MASAYA ang mga taga-Kapuso Network dahil nahila paitaas ni Alden Richardsang teleseryeng Encantadia.

Rati kasing napag-iiwanan ng FPJ’s Ang Probinsiyano  ang serye dahil may iba’t ibang guests everyweek kaya nagdesisyon ang GMA na ipasok ang pinakapaborito nilang artista.

Tipong hindi na nga gustong pakawalan ng network ang taga-Sta. Rosa, Lagunang actor. Pinapirma muli ito ng limang taon kamakailan. Ang problema lang, hindi nila solo ang pagpapasikat kay Alden dahil Eat Bulaga ang nagpaputok ng ngalan ng actor.

Ilan bang teleserye at pelikula na ang ibinigay muna kay Alden noon  pero wala namang reaksiyon sa publiko. Itinambal nga siya kay Marian Rivera noon pero wala pa ring nangyari. Mabuti na lang at isinali sa Kalyeserye ng EB at pumutok ang pangalan nang itambal kay Yaya Dub Maine Mendoza.

Nakababahala lang kung bakit may mga nakakaalarmang death threat kuno si Alden. Hindi ba sila natatakot sa ating administration ngayon?

Well, dapat iwasan ang ganitong pananakot kasi wala namang resulta sa binabantaan.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …