“’YUNG role namin is palaban at saka rebelde. Tapos, as the story goes, doon mo siya mamahalin as you get to know her.” Ito ang pahayag ni Joyce Ching sa bago nitong proyekto sa GMA 7 na balik tambalan nila ng ka-loveteam na si Kristoffer Martin.
Anito, ”Ako po personally, sobrang love ko ‘yung character namin ni Kristoffer kasi hindi siya ‘yung typical na bida na sobrang bait, na hindi lumalaban.”
Mas matured na Joyce raw ang mapapanood sa kanilang afternoon soap ni Kristoffer.
“Sobrang iba ‘yung role ko sa soap na ito,” pagtatapos ni Joyce.
MATABIL – John Fontanilla