MAGANDA ang attitude ng pamilya ni Albie Casino sa isyung kagagawan ni Andi Eigenmann. Hindi na sila humingi ng public apology dahil ang importante ay alam ng netizens na vindicated ang actor at nalaman na kung sino ang tunay nba ama ng anak ni Andi.
Aminado silang nasaktan lalo na sa mga basher at nang-iwan kay Albie. Ang the height pati ang mommy niya ay idinamay, isinumpa at kinu-question ang pagiging nanay nito. Ang masaklap din ay marami ang nagmahal at humanga sa kanya noong Mara Clara days. Pero nakatutuwa rin na ‘yung ibang nam-bash kay Albie ay humihingi ngayon ng sorry.
“I have forgiven them. I surrender them to the Lord. I’ve forgiven Andi, I’ve forgiven their family. And for me, it’s all well,” deklara ni Mrs. Rina Casino sa panayam ng PEP.
Walang masamang tinapay sa kanila at okey lang kung bati-bati na. Ang importante ay namumuhay na matiwasay ngayon ang pamilya Casino.
TALBOG – Roldan Castro